Mga 9PM ang assembly sa Tutuban and sa likod kami ng Land Rover nakasakay hahaha imaginin mo yun dadaan ka ng Cavite tapos expose na expose ka sa malakas na hangin, that was my first time travelling that way. Mga 2 hours lang nandun na kami sa bahay nung colleague ng pinsan ng friend ko (hehe) Malapit lang sa bahay nila ung beach so masaya talaga. Pagdating namin mga hatinggabi na sinaksak pa nila yung videoke para kumanta after kumain.
Kahit ayaw ko umitim eh di ko napigilan ang pag-aaya ng dagat sakin mwehehe. Nung una kase nakatingin lang ako sa mga kasama ko kase hinihintay kung bumaba man lang ng konti yung araw. Ayun di ko napigilan hehe. Mga 2 hours lang ako nakapagtiis tapos talon na ko sa tubig. Habang nasa tubig ka, di mo mapifeel ung init kase sobrang lamig ng tubig. Napansin ko lang na di iba na kulay ng balat ko nung umahon na ko. Hindi ko rin makalimutan yung swimming na to kase dito nawala ung kabibili ko lang na shades sa Bench. Kase ginagawa naming goggles yung shade namin, tapos dalawa samin ang nawalan ng shades dahil inagos hehehe adik no?
Kinabukasan bago umuwi eh daan kami sa Tagaytay, whew! ang init sobra buti nalang may ice cream dun, bumili rin ako ng mga souvenirs din para masaya. Di mo talaga makakalimutan pag perstaym.
Sayang talaga kase di pa ko nakakabili ng digicam nun. Kaya cellphone camera lang ang pampicture namin pero okay na rin. When we go back there, ready na ung camera :)
This is my entry to "Perstaym ko magpapacontest!" contest at Perstaym blog.
2 Comments
lolz bakit ba naman kasi ginagawang goggles ang shades?!
ReplyDelete--Perstaymer--
waw talagang binasa aah.. eh kase nakigaya lng ko sa kanila eh.. sayang 350 pa nmn yun hehehehe
ReplyDeletePost a Comment